City Agriculture Office Nagbigay Tulong sa Magsasaka para Mabahagian ng Rice Competitive Enhancement Fund - Rice Farmer Financial Assistance Program ng Department of Agriculture.
February 16, 2022

Ilang magsasaka mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan ang makakatanggap ng financial assistance mula sa Rice Competitive Enhancement Fund - Rice Farmer Financial Assistance Program ng Department of Agriculture. Patuloy ang pagtulong ng mga kawani ng City Agriculture Office sa mga magsasaka upang sila ay mabigyan ng Interventions Monitoring Card (IMC) na magsisilbing identification (ID) at cash card kung saan matatanggap ng eligible beneficiaries ang cash assistance. Ang mga magsasaka na nagsasaka ng dalawang (2) ektarya pababa at rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang mga benepisyaryo ng programang ito. Para sa iba pang mga katanungan ukol sa programang ito, maaaring makipagugnayan sa tanggapan ng City Agriculture Office 0919 089 9925.  Read More



City Livelihood and Cooperatives Development Office, Nagsagawa ng Seminar para sa Pagbuo ng Kooperatiba.
February 16, 2022

Sa pangunguna ng City Livelihood and Cooperatives Development Office, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsagawa ng Pre-Registration Seminar sa Lucky Farmers Association ng Barangay Calawagan sa pakikiisa sa Cooperative Development Authority-PO at Department of Agrarian Reform-Provincial Office. Layunin ng seminar na ito na mailahad ang mga panuntunan para sa pagbuo ng Kooperatiba. Ito ay ginanap noong February 9, 2022.  Read More



City Veterinary Office Nagsagawa ng Libreng Anti-Rabies Vaccination!
February 16, 2022

Nitong linggong ito, nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office sa barangay ng Kalikid Sur. Mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop dahil ang rabies ay isang viral infection at animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal. Samantala, nagsagawa rin sila ng continuous deworming at vitamin administration para sa mga alagang kalabaw at kambing sa Brgy Pangatian at Kalikid Norte. Read More



Mobile Vaccination sa mga iba’t ibang Vaccination Sites at mga Establishments, Isinagawa!
February 16, 2022


Patuloy na disinfection ang isinasagawa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)
February 16, 2022

Upang masigurado ang kaligtasan ng komunidad, pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang pagsasagawa ng disinfection sa iba't ibang lugar na mayroong nagpositibo sa COVID-19 nitong January 31 hanggang February, 4, 2022. Read More



Food Assistance para sa mga Pasyenteng Nagpositibo sa COVID-19, Isinagawa.
February 16, 2022

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay patuloy sa pamamahagi ng food assistance para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19. Katuwang muli rito ay ang City Social Welfare and Development Office. Ito ay ginanap noong January 31-February 4, 2022. Maaaring makipag-ugnayan sa CSWDO sa numerong 0919-081-2789 para sa iba pang detalye.  Read More



Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.
February 16, 2022


Free Antigen Test para sa mga Mamayan ng Cabanatuan na may sintomas!
February 16, 2022

Bilang tugon sa dumaraming kaso ng COVID-19, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsasagawa ng libreng antigen test sa mga taga-Cabanatuan na mayroong sintomas ng COVID-19. Ang antigen testing ay isinasagawa ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na mayroong antigen area o booth sa CDRRMO Bldg., City Hall Compound. Samantala, sa pamamagitan naman City Health Office ay pinupuntahan sa kani-kanilang tahanan ang mga pasyenteng may sintomas. Narito po ang mga contact numbers ng City Health Centers na maaaring tawagan o itext kung ikaw ay mayroong sintomas ng COVID-19: City Health Center 1 (Mayapyap Sur) 0919-081-3119, City Health Center 2 (San Josef Norte) 0999-222-6034, City Health Center 3 (Bangad) 0919-081-2883, City Health Center 4 (Mabini Homesite) 0919-081-1344, City Health Center 5 (Quezon District) 0919-081-1535, City Health Center 6 (Caalibangbangan) 0919-081-1485, City Health Center 7 (H. Concepcion) 0919-081-2983, City Health Center 8 (Camp Tinio) 0919-081-2895, Narito naman po ang mga contact number ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (antigen queries): 0999-229-3454  Read More



Lungsod ng Cabanatuan, Nagbigay ng Tulong Pinansiyal sa mga Biktima ng Bagyong Odette!
February 16, 2022


Resbakuna, Tuloy-tuloy sa mga Vaccination Centers at iba’t ibang business establishments
February 04, 2022

Patuloy ang pagbibigay ng 1st dose, 2nd dose, at booster shots ng COVID-19 Vaccine para sa mga mamamayan ng iba't ibang vaccination sites sa Lungsod ng Cabanatuan nitong January 24-28, 2022. Nagsasagawa rin ng mobile vaccination sa iba't ibang business establishments sa Lungsod ng Cabanatuan. Narito po ang mga numero ng VOC HELPDESK: 0998-500-2710, 0998-500-2750, 0998-500-2725. Para naman sa business establishments, maaaring makipag-ugnayan sa CBLIPO sa numerong 0919-089-9869 o 0955-563-0202. Read More



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27  28  29  30  31  32  33  34  35  36  37  38  39  40  41