School Supplies alay ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Estudyante!

Bahagi ng programa ni Mayor Myca Elizabeth
R. Vergara ang mabigyan ng school supplies ang mga mag-aaral mula Kindergarten
hanggang Senior High School na opisyal na naka-enroll sa mga pampublikong
paaralan dito sa lungsod. Nang nagsimula ang academic year, napagkalooban na ng
school supply sets ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 na nasa
ilalim ng sampung distrito ng DepEd Cabanatuan. Ang isang set ng school
supplies ay naglalaman ng notebooks, crayons, glue, sharpener, eraser, ballpen,
pencil, writing pads, at plastic envelope. Susunod naman mapagkakalooban ang
mga Grade 7 hanggang Senior High School sa mga susunod na linggo.Ito ay naging
posible sa pakikipagtulungan sa Department of Education Cabanatuan City sa
pamumuno ni Schools Division Superintendent, Teresa D. Mababa. Alay sa taga
cabanatuan, mula sa buwis ng mamamayan.
| EVENTS |
|---|
| DECEMBER 31, 2025 Rizal Day |
| DECEMBER 25, 2025 Christmas Day |
| DECEMBER 08, 2025 Feast if the Immaculate Conception of Mary |
| NOVEMBER 30, 2025 Bonifacio Day |
| FOLLOW US |
|---|
|
| INTER AGENCY LINKS |
|---|
|













