UCT (Unconditional Cash Transfer) Cash Card Distribution para sa 3,020 Benepisyaryo, Ginanap

Sa pangunguna ng DSWD Regional Office 3,
katuwang ang Landbank of the Philippines at Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan,
nagsagawa ng UCT (Unconditional Cash Transfer) cash card distribution sa 3,020
benepisyaryo na naglalaman ng kanilang kabuuang cash grant para sa taong 2020.
Ito ay sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Sinuri at pinatunayan ng mga kawani ng DSWD at ng CSWDO ang mga dokumento ng
mga benipisyaryo habang ipinamahagi ng kawani ng Landbank of the Philippines
ang cash cards. Ang mga benepisyaryo ng UCT ay kabilang sa mga natukoy na
pinakamahihirap sa pamamagitan ng DSWD Listahanan at lubos na naaapektuhan ng
pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng TRAIN Law. Ang pamamahagi ng UCT cash
card ay isinagawa noong November 13, 20 at 27, 2021 sa SM City Cabanatuan.
| EVENTS |
|---|
| DECEMBER 31, 2025 Rizal Day |
| DECEMBER 25, 2025 Christmas Day |
| DECEMBER 08, 2025 Feast if the Immaculate Conception of Mary |
| NOVEMBER 30, 2025 Bonifacio Day |
| FOLLOW US |
|---|
|
| INTER AGENCY LINKS |
|---|
|













