National Disaster Resilience Month: Interactive Mall Display and Closing Ceremonies

Hulyo 31, 2022 - National Disaster
Resilience Month: Interactive Mall Display and Closing Ceremonies
Sa patnubay ni CDRRMC Council Chair Myca
Elizabeth R. Vergara, isinagawa ang information Dissemination Activity na
ginanap sa SM City Cabanatuan noong Hulyo 30 – 31, 2022.
Sa pamamagitan ng interactive mall display,
hinimok ang mga mamamayan na maging bahagi sa pagpapalawig at pagpapalakas ng
kakayanan ng Lungsod ng Cabanatuan na tumugon sa anumang sakuna.
Nagbigay ng libreng lecture sa Basic Life
Support (Cardiopulmonary Resuscitation) at familiarization sa mga rescue tools
and equipment ang mga kawani ng CDRRMO.
Sa ikalawang araw ng nasabing gawain,
kinilala ang mga rescuers na sumailalim sa iba’t-ibang pagsasanay gaya ng
Collapsed Structure Search and Rescue at Water Search and Rescue Training.
Ayon kay Ginoong Eugenio Romualdo V. Mintu
II, napakalaking bagay na magkaroon ng mga karagdagang rescuers hindi lamang sa
lungsod kundi pati sa buong Probinsya ng Nueva Ecija.
Dahil rito, ipinarating ni Ginoong
Ferdinand B. Hilado, President ng Association of Disaster Resilient Officers
Nueva Ecija Inc. ang kanyang pasasalamat di lamang sa mga nagsanay na rescuers
kundi pati na rin sa Lungsod ng Cabanatuan dahil sa pagsasanay na kanilang
isinagawa.
Binigyang diin naman ng bagong Committee on
Disaster Chair na si Hon. Christopher A. Lee ang kahalagahan ng kaalaman at
kahandaan pagdating sa lahat ng aspeto ng Disaster Management.
Layunin ng NDRM Celebration na mas imulat
at gawing bahagi ang mga miyembro ng lipunan sa (1) Pag-iwas at mitigasyon, (2)
Paghahanda, (3) Pagtugon at (3) Rehabiilitasyon at Pagbangon sa anumang
kalamidad.
#2022NationalDisasterResilienceMonth
#KalamanAtKahandaaanParaSaLigtasNaCabanatuan
Source: DRRMO Cabanatuan City
| EVENTS |
|---|
| DECEMBER 31, 2025 Rizal Day |
| DECEMBER 25, 2025 Christmas Day |
| DECEMBER 08, 2025 Feast if the Immaculate Conception of Mary |
| NOVEMBER 30, 2025 Bonifacio Day |
| FOLLOW US |
|---|
|
| INTER AGENCY LINKS |
|---|
|













