HANDOG PARA SA DISTRITO nina Congresswoman Ria at Cabanatuan City Presiding Officer Jay Vergara, Tuloy-tuloy!

Dumating na ang programang HANDOG PARA SA
DISTRITO nina Congresswoman Ria at Cabanatuan City Presiding Officer Jay
Vergara sa Cabanatuan City para sa pinakahihintay na pamamahagi ng mga munting
handog para sa kanilang mga ka-distrito. Iba't ibang barangay sa lungsod ang
mga nakatanggap ng timba na naglalaman ng mga sangkap para sa pangsalu-salo ng
bawat pamilya tulad ng hotdog, spaghetti sauce, pasta at maging bigas na MULA
SA PERSONAL NA PONDO ng PAMILYA VERGARA. Kasama sina Board Members EJ
Ballesteros Joson at Jojo Matias ay binisita nina Cong. Ria ang bawat ka-distrito
at inalam ang kanilang kalagayan at mga pangangailangan. Layunin ng programang
#HandogParaSaDistrito nina Ria at Jay Vergara na makapaghatid ng KALINGA NA
LAHAT KASAMA AT WALANG PINIPILI sa buong Ikatlong Distrito ng Nueva Ecija.
| EVENTS |
|---|
| DECEMBER 31, 2025 Rizal Day |
| DECEMBER 25, 2025 Christmas Day |
| DECEMBER 08, 2025 Feast if the Immaculate Conception of Mary |
| NOVEMBER 30, 2025 Bonifacio Day |
| FOLLOW US |
|---|
|
| INTER AGENCY LINKS |
|---|
|













