Ang Pamahalaang Lungsod ay Nabiyayaan ng Cheke bilang bahagi ng Kadiwa Cold Chain Project

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa
pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ay lubos na nagpapasalamat sa
Department of Agriculture (DA) - Bureau of Animal Industry (BAI) at National
Livestock Program (NLP) dahil sa kanilang cheque donation sa lungsod bilang
bahagi ng Kadiwa Cold Chain Project. Ang donasyon ay gagamitin sa pagbili ng
chillers at freezers na ipapamahagi sa mga frozen meat dealers sa Cabanatuan
Public Market at Sangitan Public Market. Ito ay upang makasigurado ang mga
mamimili na ang mga karneng kanilang bibilhin ay ligtas at abot kaya. Ang
turnover ng donasyon ay ginanap nitong January 14, 2022 at dinaluhan nina DA
Undersecretary for Livestock Dr. William C. Medrano, BAI-OIC Director Dr.
Reildrin Morales, City Veterinarian Dr. Lorna Rivera at CEEPUMO Head Mr. Ronnie
Punzal.
| EVENTS |
|---|
| DECEMBER 31, 2025 Rizal Day |
| DECEMBER 25, 2025 Christmas Day |
| DECEMBER 08, 2025 Feast if the Immaculate Conception of Mary |
| NOVEMBER 30, 2025 Bonifacio Day |
| FOLLOW US |
|---|
|
| INTER AGENCY LINKS |
|---|
|













