DENR-EMB Region III Nagbigay ng Donasyon na Trash Bins at Trash Bags

Tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan nitong February 18, 2022, sa pamamagitan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, ang donasyon mula sa Department of Environment and Natural Resources - Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Region III. Ito ay mga Yellow Trash Bins and Trash Bags para sa health care wastes sa Lungsod. Kasama rin sa pagtanggap ng donasyon sina CCENRO head Michelle Rigor, Provincial ENRO, City ENRO at Community ENRO representatives. Read More
Resbakuna, Tuloy-tuloy sa mga Vaccination Centers at House to House sa mga Barangay!

Patuloy ang pagbibigay ng 1st dose, 2nd dose, at booster shots ng COVID-19 Vaccine para sa mga mamamayan ng iba't ibang vaccination sites sa Lungsod ng Cabanatuan nitong February 7-11, 2022. Gayundin, sinimulan na ang house-to-house na pagbabakuna upang hindi na kailangan pang umalis sa kanilang mga tahanan ng mga mamamayan na nais magpabakuna. Nagsasagawa rin ng mobile vaccination sa iba't ibang business establishments sa Lungsod ng Cabanatuan. Narito po ang mga numero ng VOC HELPDESK: 0998-500-2710, 0998-500-2750, 0998-500-2725. Para naman sa business establishments, maaaring makipag-ugnayan sa CBLIPO sa numerong 0919-089-9869 o 0955-563-0202. Read More
City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) nagsagawa ng disinfection.

Upang masigurado ang kaligtasan ng komunidad, pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang pagsasagawa ng disinfection sa iba't ibang lugar na mayroong nagpositibo sa COVID-19 nitong February 7-11, 2022. Read More
Food Assistance para sa mga Pasyenteng Nagpositibo sa COVID-19, Tuloy-tuloy ang Pamamahagi!

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay patuloy sa pamamahagi ng food assistance para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19. Katuwang muli rito ay ang City Social Welfare and Development Office. Ito ay ginanap noong February 7-11, 2022. Maaaring makipag-ugnayan sa CSWDO sa numerong 0919-081-2789 para sa iba pang detalye. Read More
Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.

Patuloy ang pamimigay ng Newborn Packages para sa mga magulang na nagparehistro ng kanilang bagong silang na anak sa Office of the Local Civil Registrar. Ito ay sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at ng Pamahaaang Lungsod upang magkaroon ng magandang panimula ang mga bagong magulang na residente ng Lungsod ng Cabanatuan. Read More
Free Antigen Test para sa mga Mamayan ng Cabanatuan na may sintomas!

Bilang tugon sa dumaraming kaso ng COVID-19, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsasagawa ng libreng antigen test sa mga taga-Cabanatuan na mayroong sintomas ng COVID-19. Ang antigen testing ay isinasagawa ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na mayroong antigen area o booth sa CDRRMO Bldg., City Hall Compound. Samantala, sa pamamagitan naman City Health Office ay pinupuntahan sa kani-kanilang tahanan ang mga pasyenteng may sintomas. Narito po ang mga contact numbers ng City Health Centers na maaaring tawagan o itext kung ikaw ay mayroong sintomas ng COVID-19: City Health Center 1 (Mayapyap Sur) 0919-081-3119 City Health Center 2 (San Josef Norte) 0999-222-6034 City Health Center 3 (Bangad) 0919-081-2883 City Health Center 4 (Mabini Homesite) 0919-081-1344 City Health Center 5 (Quezon District) 0919-081-1535 City Health Center 6 (Caalibangbangan) 0919-081-1485 City Health Center 7 (H. Concepcion) 0919-081-2983 City Health Center 8 (Camp Tinio) 0919-081-2895 Narito naman po ang mga contact number ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (antigen queries): 0999-229-3454 Read More
NEGO-KART Inilunsad ng PESO Cabanatuan at DOLE Province.

Ang NEGO-KART (Negosyo sa Kariton) ay isang programa ng Department of Labor and Employment na nauukol para sa mga nagtitinda sa kalye. Sa proyektong ito, sila ay binibigyan ng pagkakataon na magtinda at magkaroon ng kumikitang kabuhayan upang maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay. Nitong February 10, 2022, isinagawa ang pagpapamigay ng mga NEGO-KART kasama ang Department of Labor and Employment, Provincial Director Maylene L. Evangelista, Mayor Myca Elizabeth R Vergara, Assistant City Administrator Mr Norman Riño at Supervising Labor and Employment Officer Ronneil Sanopo at buong tanggapan ng Public Employment Service Office na siyang nanguna sa pagagawad ng proyektong nabanggit. Ito ay mayroong 20 benepisyaryo na nagmula sa iba't ibang barangay ng Cabanatuan. Read More
City Agriculture Office Nagbigay Tulong sa Magsasaka para Mabahagian ng Rice Competitive Enhancement Fund - Rice Farmer Financial Assistance Program ng Department of Agriculture.

Ilang magsasaka mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan ang makakatanggap ng financial assistance mula sa Rice Competitive Enhancement Fund - Rice Farmer Financial Assistance Program ng Department of Agriculture. Patuloy ang pagtulong ng mga kawani ng City Agriculture Office sa mga magsasaka upang sila ay mabigyan ng Interventions Monitoring Card (IMC) na magsisilbing identification (ID) at cash card kung saan matatanggap ng eligible beneficiaries ang cash assistance. Ang mga magsasaka na nagsasaka ng dalawang (2) ektarya pababa at rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang mga benepisyaryo ng programang ito. Para sa iba pang mga katanungan ukol sa programang ito, maaaring makipagugnayan sa tanggapan ng City Agriculture Office 0919 089 9925. Read More
City Livelihood and Cooperatives Development Office, Nagsagawa ng Seminar para sa Pagbuo ng Kooperatiba.

Sa pangunguna ng City Livelihood and Cooperatives Development Office, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsagawa ng Pre-Registration Seminar sa Lucky Farmers Association ng Barangay Calawagan sa pakikiisa sa Cooperative Development Authority-PO at Department of Agrarian Reform-Provincial Office. Layunin ng seminar na ito na mailahad ang mga panuntunan para sa pagbuo ng Kooperatiba. Ito ay ginanap noong February 9, 2022. Read More
City Veterinary Office Nagsagawa ng Libreng Anti-Rabies Vaccination!

Nitong linggong ito, nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office sa barangay ng Kalikid Sur. Mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop dahil ang rabies ay isang viral infection at animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal. Samantala, nagsagawa rin sila ng continuous deworming at vitamin administration para sa mga alagang kalabaw at kambing sa Brgy Pangatian at Kalikid Norte. Read More
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() |
INTER AGENCY LINKS |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |