Resbakuna ng DOH para sa mga Medical Frontliners

Sa pamamagitan ng programang Resbakuna ng Department of Health, nabigyan na ng COVID-19 vaccine ang mga doktor, nurses at iba pang medical frontliners sa MV Gallego Cabanatuan City General Hospital. Pinangunahan naman ni Hospital Director Dr. Benedicto Joson ang pagpapabakuna. Aztrazeneca ang brand ng bakuna na ginamit para sa mga empleyado ng City Hospital. Read More
Mga kawani ng Traffic Management Division Sumailalim sa Random Drug Test

Sa pangunguna ni Mr. Julio Miguel "Mikko" R. Vergara, Community Affairs Office Head at sa pakikipagtulungan sa City Health Office, nagsagawa ng Drug Testing sa mga kawani ng Traffic Management Division. Ito ay ginanap noong March 8, 2021 sa CDRRMO Gymnasium, Cabanatuan City Hall. Read More
Expanded Targeted Testing sa mga Empleyado ng LGU Cabanatuan

Muli namang sumailalim sa Expanded Targeted Testing ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod noong March 9, 2021. Ito ay ginanap sa CDRRMO Covered Court, City Hall Compound. Read More
Anti-Rabies Vaccination Tuloy-Tuloy

Nitong March 8-12, 2021, nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office sa mga barangay ng Rizdelis, Fatima, Mellojavilla, Gen. Luna, Bantug Bulalo at Matadero. Mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop dahil ang rabies ay isang viral infection at animal disease na maaaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal. Read More
Fogging Operations Kontra Dengue

Sa pangunguna ng City Health Office, muling nagsagawa ng Fogging Operations mula March 8-12, 2021 sa mga barangay ng: Mayapyap norte, barlis, Sapang, Caalibangbangan, Samon, caudillo at pamaldan. Read More
Libreng Anti-Rabies handog ng City Veterinary Office

Nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office noong March 18, 2021 sa barangay San Roque Norte. Patuloy naman ang pagbibigay ng libreng anti-rabies vaccine sa mga aso, pusa at iba pang hayop sa tanggapan ng City Veterinary sa City Hall Compound. Read More
Flag Raising Ceremony March 15, 2021

Nitong Lunes, March 15, 2021, nagsagawa ng Flag Raising ceremony ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan na pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara kasama ang mga kawani ng MV Gallego Cabanatuan City General Hospital. Patuloy pa ring paalala ni Mayor Myca sa lahat na sumunod sa minimum public health standards at laging mag-ingat kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Read More
Vaccination Center ng LGU Cabanatuan, inihahanda na.

Ang main site ng Vaccination Center na inihahanda ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, ay matatagpuan sa tapat ng City Hall Compound. Habang hinihintay na matapos itong gawin, kasalukuyan nang iginagayak ang satellite vaccination center sa loob ng CRDDMO Covered Court sa loob ng City Hall Compound, kung saan isasagawa ang simulation vaccination. Maliban sa COVID-19 vaccine, maaari ring isagawa sa mga nasabing vaccination sites ang mga proyekto ng DOH na pagbabakuna sa iba pang sakit tulad ng polio, tigdas at iba pa. Read More
17th Annual General Assembly ng Makabagong Magsasaka Primary Multi-Purpose Cooperative, Dinaluhan ni Mayor Myca Elizabeth Vergara
Collapsed Structure Search and Rescue Seminar para sa Bayan ng Bongabon, General Natividad, Licab, Zaragoza at Palayan City, Isinagawa

Sa direktiba ni CDRRMC Chair Myca Elizabeth R. Vergara, sinimulan na muli ang pagsasanay tungkol sa Collapsed Structure Search and Rescue na kinabibilangan ng mga Bayan ng Bongabon, General Natividad, Licab, Zaragoza at Palayan City. Sa pakiki-isa ng Association of Disaster Resilience Officers of Nueva Ecija (ADRONE), ang mga kawani ng DRRMO ng mga nasabing bayan ay sasanayin sa Familiarization on Tools, Equipment and Accessories for CSSR, Operational Safety, Rescue Strategies and Techniques, Breaching, Shoring Techniques and Pre-Hospital Care and Incident Command System. Mahigpit pa rin na ipinatupad ang minimum health standards sa CSSR Training na ito. Read More
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() |
INTER AGENCY LINKS |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |