Fogging Operations laban sa Dengue
February 01, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsasagawa ng fogging operations upang maiwasan ang paglaganap ng mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue.  Sinimulan ito noong February 1 at nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan. Inunang puntahan ang mga barangay na nasa gitna o sentro ng lungsod, at sa mga susunod na mga linggo ay mapupuntahan rin ang mga malayo sa sentro. Ang mga barangay na pinuntahan sa linggong ito ay Daan Sarile, Magsaysay Sur, Bantug Bulalo, Bantug Norte, Aduas Norte, Bitas, Aduas Centro, Aduas Sur, Pagas at Valdefuente. Read More



Bakuna Laban sa Tigdas at Polio, Sinimulan na!
February 01, 2021

Inumpisahan na ng Department of Health, sa pakikipagtulungan sa City Health Office, ang pagsasagawa ng Measles-Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity sa Lungsod ng Cabanatuan nitong Pebrero 1, 2021. Patuloy na hinihikayat ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak. Ang programang ito ay magpapatuloy sa buong buwan ng Pebrero. Read More



Food Assistance para sa mga taga Cabanatuan
February 01, 2021

Kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Cabanatuan, sinimulan ang muling pamamahagi ng food assistance sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito na ang ika-siyam na serye ng pamimigay ng ayuda ng Pamahalaang Lungsod para sa mga mamamayan, kung saan sampung kilong bigas ang matatanggap ng bawat household.  Read More



LGU Cabanatuan City Flag Raising Ceremony February 01, 2021
February 01, 2021

Idinaos noong Pebrero 1, 2021 ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara kasama ang Local Civil Registry Office. Read More



LGU Cabanatuan nagkamit ng parangal mula sa DSWD
January 29, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagkamit ng pagkilala bilang Model Local Government Unit Implementing Protective Programs and Services at nagwagi ng Gawad Paglilingkod sa Sambayanan o GAPAS Award. Read More



CDRRMO Nagsagawa ng Collapsed Structure Search and Rescue Refresher Course
January 27, 2021

Bilang bahagi ng kahandaan ng Lungsod ng Cabanatuan sa iba't ibang uri ng sakuna na maaaring dumating, pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang refresher course sa Collapsed Structure Search and Rescue. Ito ay ginanap noong Enero 27, 2021 sa City Supermarket at dinaluhan ng  mga accredited community disaster volunteers o ACDV mula sa mga barangay ng Talipapa, San Josef Sur, Pagas, Communal at Aduas Sur. Read More



Expanded Targeted Testing para sa empleyado ng City Hall
January 26, 2021

Muling sumailalim sa rapid antibody testing ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pamamagitan ng programang Expanded Targeted Testing. Ito ay ginanap noong Enero 26, 2021 sa CRDDMO covered court. Read More



LGU Cabanatuan City Flag Raising Ceremony January 25, 2021
January 25, 2021

Noong Lunes, Enero 25, 2021, pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang Flag Raising ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan. Read More



Deed of Absolute Sale Pinirmahan na para sa Barangay Sangitan West handog ng LGU Cabanatuan
January 22, 2021

Ginanap noong Enero 22, 2021 ang contract signing ng Deed of Absolute Sale sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan at sa pinagbilhan ng lupa. Read More



LGU Cabanatuan City Flag Raising Ceremony January 18, 2021
January 18, 2021

Ginanap ang lingguhang Flag Raising Ceremony noong ika-18 ng Enero, 2021. Ito ay dinaluhan nina Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, Mr. Mikko Vergara, mga empleyado ng City Mayor's Office at PNP Cabanatuan. Read More



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27  28  29  30  31  32  33  34  35  36  37  38  39  40