Clearing Operation

Bilang pagtalima sa deadline na ibinigay ng DILG na Enero 15, 2021, mas pinaigting ang isinasagawang clearing operations sa iba't ibang kalye sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay pinangunahan ng DILG Cabanatuan, PNP Cabanatuan, City Engineer's Office at iba pang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan. Read More
Orientation sa Measles-Rubella Polio Supplemental Immunization Activity

Sa pangunguna ng City Health Office, nagkaroon ng orientation sa iba't ibang bahagi ng lungsod tungkol sa isasagawang Measles-Rubella Polio Supplemental Immunization Activity. Ang pagbabakunang ito ay isa sa mga programa ng Department of Health at isasagawa sa buong buwan ng Pebrero, 2021. Read More
Expanded Targeted Testing

Patuloy naman ang Expanded Targeted Testing, kung saan sumailalim sa rapid antibody test ang mga empleyado ng Wesleyan University Philippines noong Enero 11, 2021. Read More
Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng CCENRO

Idinaos ang Flag Raising Ceremony nitong Lunes, Enero 11, 2021 na dinaluhan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, Mr. Julio Miguel R. Vergara, Father Julius Belen at mga empleyado ng Cabanatuan City Environment and Natural Resources Office at Philippine National Police. Read More
Cabanatuan Molecular Diagnostics Laboratory

Kasalukuyan nang ipinagagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang kauna-unahang RT-PCR Laboratory sa buong lalawigan ng Nueva Ecija. Read More
Registration/Renewal of Business Permit through online
Mahigit 300 displaced workers, natulungan sa pangalawang bahagi ng TUPAD

Sa pamamagitan ng programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, sinimulan noong December 11,2020 ang pamamahagi ng cash assistance sa 333 displaced workers mula sa 20 na barangay. Ito ay sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Cong. Ria Vergara ng 3rd District of Nueva Ecija, Department of Labor and Employment at PESO-Cabanatuan City. Sa programang TUPAD, ang mga beneficiaries na displaced workers ay binigyan ng pagkakataon na kumita sa loob ng 10-30 araw. Sila ay nagsasagawa ng iba’t ibang social, economic at agro-forestry community projects tulad ng paglilinis at pagsasaayos ng kapaligiran at pagtatanim ng mga puno. Read More
MyCabanatuan QR Code Contact Tracing, kasado na sa 8 malalaking establishimento

Noong December 16, 2020, sinimulan ang dry-run ng paggamit ng MyCabanatuan QR Code Contact Tracing Application sa 8 malalaking establishimento sa lungsod na SM City Cabanatuan, SM Megacenter, Waltermart Cabanatuan, S&R Cabanatuan, Puregold Cabanatuan, Robinsons Cabanatuan, CELCOR at Cabanatuan City Water District - Primewater Cabanatuan City. Read More
Expanded Targeted Testing, patuloy na isinasagawa para sa mga empleyado ng City hall, pribadong institusyon

Nagkaroon ng Expanded Targeted Testing para sa mga empleyado ng pribadong establishimento tulad ng College for Research and Technology, PBCom Bank, Immaculate Conception Medical Center, Wesleyan University-Philippines at Puregold. Gayundin, muling sumailalim sa rapid antibody test ang mga empleyado ng Cabanatuan City Hall. Read More
Free Rice Seeds, ipinamahagi para sa mga magsasaka ng Cabanatuan

Nagpatuloy ang Free Rice Seed Distribution Program sa ilalim ng Rice Resiliency Project II para sa mga magsasaka na nakalista sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Ang proyektong ito ay naging posible sa pagtutulungan ng Department of Agriculture at Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ng Cabanatuan City Agriculture Office. Read More
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() |
INTER AGENCY LINKS |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |